4 patay, mahigit 90 sugatan nang magsalpukan ang dalawang tren sa Pakistan

By Mariel Cruz September 16, 2016 - 10:23 AM

PAKISTAN CRASH
Photo from Reuters

Patay ang apat katao habang mahigit siyamnapu ang sugatan makaraang sumalpok ang isang express train sa isa pang train na may dalang kargamento sa Lahore, Pakistan

Ayon sa Pakistan emergency rescue, patungo sa Karachi City ang isang Awam Express train nang bumangga ito sa isa pang tren sa probinsya ng Punjab.

Matapos ang insidente, maraming pasahero ang ilang oras na na-trap sa loob ng tumagilid na express train.

Nabatid na nailabas lamang ng train ang mga biktima makalipas ang apat na oras sa pamamagitan ng pagputol sa makakapal na bakal gamit ang hydraulic cutter.

Matatandaang mahigit isandaan naman ang nasawi nang magsalpukan din ang dalawang train sa Sindh province sa Pakistan noong July 2005.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.