Higit 70 lokal na opisyal at kawani ng gobyerno, tinanggalan ng firearms license

 

Tuluyan ng tinanggalan ng lisensya ng baril ang 72  sa 100 lokal na opisyal at mga law enforcers na nadawit sa operasyon ng iligal na droga.

Ayon kay Firearms and Explosive Ordnance Deputy Director Sr. Supt. Jose Malayo, sa 72 personalidad, 44 ay mga halal na opisyal, 1 ay huwes, 3 ay PNP officials habang 24 naman ay mga tauhan ng PNP, AFP at iba pang law enforcement agencies.

Umaabot naman sa 380 baril ang napag-alaman ng FEO na pagmamay-ari ng mga nabanggit na mga personalidad 9 dito ay nakapangalanan naman kay Talitay Maguindanao Vice Mayor Abdulwahab Sabal.

Kabilang dito ang 5 short firearms na Class A light weapons o mga high-powered na armas.

Ayon pa kay Malayo, sa 380 na tinanggalan ng lisensya, 49 pa lang ang nakadeposito sa PNP-FEO./ Ruel Perez

 

Read more...