Imbestigasyon ni de Lima EJK, tatapatan ng imbestigasyon sa droga ng Kamara

By Isa Avendaño-Umali September 15, 2016 - 08:21 PM

alvarez-de-lima-file-0722-620x349
Inquirer file photo

Minaliit lamang ng Liderato ng Kamara ang mga rebelasyon ni Edgar Matobato, ang dating miyembro ng Davao Death Squad (DDS) na testigo sa Senate inquiry kanina.

Giit ni House Speaker Pantaleon Alvarez, gasgas na ang mga akusasyon ni Matobato laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Tahasang sinabi pa ni Alvarez na isang “recycled witness’ si Matobato at hindi umano totoo ang presensya ng DDS.

Ani Alvarez, siya mismo na galing sa Davao ay walang alam sa naturang death squad.

Ang mayroon lamang daw ay Diehard Duterte Supporters na kilala rin sa tawag na DDS noong panahon ng halalan na kung saan siya mismo ay kabilang.

Ilan din aniya sa extra judicial killings ay gawa lamang ng mga sindikato ng droga upang patahimikin ang mga pwedeng tumestigo laban sa mga big time drug lord.

Kumbinsido naman si Alvarez na ang tunay na layunin ni Senador Leila de Lima ay mapahina ang impact sa isasagawang imbestigasyon ng kamara sa pagkalat ng iligal na droga sa New Bilibid Prisons noong panahon niya bilang justice secretary.

Pagtitiyak naman ng Speaker, may mga bagong witness silang hawak at tiyak na masusorpresa ang lahat sa gagawing inquiry ng Kamara sa susunod na linggo.

TAGS: Alvarez, Cayetano, de lima, extra judicial killing, Alvarez, Cayetano, de lima, extra judicial killing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.