VP Robredo may tampo kay Sen. Cayetano

By Alvin Barcelona September 15, 2016 - 08:17 PM

Leni Robredo1
Inquirer file photo

Aminado si Vice President Leni Robredo na nasaktan siya sa mga akusasyon ni Senador Alan Peter Cayetano tungkol sa plano umano ng Liberal Party na patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Partikular na ikinasama ng loob ni Robredo ang pahayag ni Cayetano na siya ang makikinabang oras na matanggal sa Malacañang ang pangulo.

Sa pagdinig ng Senado kanina, ilang beses na sinabi ni Cayetano na bahagi ng isang plot ang paglutang ng testigong si Edgar Matobato para pagbagsakin ang pamahalaang Duterte.

Ilang ulit na aniyang sinabi na hindi maganda para sa bansa na dumaan muli sa panahon ng kaguluhan kung saan ang karaniwang mamamayan ang mahihirapan.

Katunayan, kahapon personal niyang tiniyak sa cabinet meeting na walang katulad na plano ang Liberal Party at nananatili ang kanilang suporta sa mga ipinatutupad na reporma ng administrasyong Duterte.

TAGS: Cayetano, de lima, Robredo, Cayetano, de lima, Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.