De Lima, Trillanes vs. Cayetano

By Den Macaranas September 15, 2016 - 05:06 PM

trillanes-de-lima-cayetano-620x398
Inquirer file photo

Naging mainit ang patutsadahan sa pagitan nina Senate Justice Committee Chair Leila de Lima, Sen. Antonio Trillanes at Alan Peter Cayetano.

Sinabi ni Trillanes na mali ang ginagawang pagdikdik ni Cayetano sa witness na si Edgar Matobato bagay na senigundahan naman ni de Lima.

Binanggit din ni Trillanes na hindi naman miyembrong komite si Cayetano pero siya’y pinayagang sumama sa ginagawang hearing ng Senate Justice Committee.

Pero sinabi ni Cayetano na kailangan niyang tingnan ang kredibilidad ng saksi pati na rin ng kanyang mga sinasabi sa pagdinig.

Inakusahan rin ni Cayetano si de Lima ng pag-aabogado sa testigo at naging maluwag din siya sa pagtanggap sa mga naging pahayag nito laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Dumating pa ang punto na hiningi ni de Lima ang tulong ng Senate sergeant-at-arms para awatin si Cayetano sa kanyang mga litanya.

Sa puntong ito pinatay  ni Trillanes ang mic na ginagamit ni Cayetano.

Nanindigan si Cayetano na hindi dapat bigyan ng seguridad si Matobato dahil dati na itong umalis mula sa Witness Protection Program ng Justice Department.

TAGS: Cayetano, de lima, justice committee, matobato, trillanes, Cayetano, de lima, justice committee, matobato, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.