Duterte, nasa likod umano ng pamamaslang sa radio broadcaster na si Jun Pala

By Jan Escosio, Mariel Cruz September 15, 2016 - 12:05 PM

Duterte MalacanangIpinag-utos umano ni Pangulong Rodrigo Duterte noong siya pa ang alkalde ng Davao ang pagpatay sa radio broadcaster na si Jun Pala noong 2003.

Sa pagharap sa Senado para sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa extra judicial killings, ito ang isa sa mga ibinunyag ng witness na si Edgar Matobato na kabilang umano sa mga miyembro ng Davao Death Squad (DDS).

Bago pa aniya umupo si Duterte bilang Mayor ng Davao, napag-usapan na ang planong pagpatay kay Pala na itinuturing umano na ‘corrupt journalist’.

Si Pala, na kolumnista at commentator sa Davao-based radio station na DXGO, ay kilala sa pagbubunyag nito ng mga corrupt politicians sa Davao City na naging dahilan para makatanggap ito ng mga banta sa kanyang buhay.

Bago ang pamamaslang kay Pala, dalawang beses nang may nagtangkang pumatay sa kanya.

Napatay si Pala noong September 6, 2003 makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilang suspek na nakasakay sa isang motorsiklo.

Nagtamo ito ng siyam na tama ng baril sa kanyang dibdib at ulo at idineklarang dead on arrival sa San Pedro Hospital.

Samantala, ibinunyag din ni Matobato ang pinaka makapangyarihang pulis sa Davao na si SPO4 Arthur Lascañas na ultimo heneral ay sumusunod sa kanya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.