Tangkang pagpatay kay De Lima, ibinunyag sa hearing sa Senado, si Duterte umano ang mastermind noong alkalde pa

By Jan Escosio, Mariel Cruz September 15, 2016 - 10:49 AM

Kuha ni Jan Escosio

Iniharap ni Sen. Leila de Lima ang isang miyembro umano ng Davao Death Squad (DDS) sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa umano’y extra judicial killings.

Sa hearing ng Senate committee on justice and human rights, humarap ang naturang miyembro ng DDS na si Edgar Matobato, 57 years old, residente ng Davao.

Ibinunyag ni Matobato na ipinag-utos umano ni Pangulong Rodrigo Duterte noong alkalde pa ito ng Davao ang pagpatay kay De Lima.

Ikinuwento ni Matobato na lahat ng ipinapapatay ni Duterte noon ay ibinabaon nila sa isang quarry sa Barangay Maa sa Davao City.

Naka-plano na aniya ang pag-ambush kay De Lima noong bumisita ang dating kalihim sa nasabing quarry sa Barangay Maa.

Naka-posisyon na aniya sila at hinihintay na lamang ang pagdating ni De Lima sa lugar.

Ngunit sinabi ni Matobato na hindi lamang nagtagumpay ang planong pag-ambush dahil hindi umakyat sa burol ang grupo ni De Lima kung saan sila naka-abang.

Tanong 2003 ang pagkakaalala ni Matobato sa insidente ngunit sinabi ni De Lima na taong 2009 nang magtungo Siya sa Barangay Maa noong siya ay chairperson pa ng Commission on Human Rights.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.