Batanes, wala pa rin suplay ng kuryente matapos ang pananalasa ng Bagyong Ferdie
Nananatiling walang suplay ng kuryente sa Batanes dahil sa mga tumumbang poste ng kuryente bunsod ng pananalasa ng bagyong Gener.
Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Batanes Lone District Rep. Henedina Abad, sinabi nito napatumba ng malakas na hangin ang mga poste sa Batanes.
“Ang problema po talaga namin ngayon, tumumba po yung mga poste ng kuryente kaya walang power, walang tubig kasi yung water suplay namin is somehow dependent sa electricity” ani Abad.
Bukod dito, wala pa rin aniya silang suplay ng tubig dahil nakadepende ang kanilang water supply sa kuryente.
May ilang pamilya din aniya ang inilakas sa isang eskwelahan sa Basco dahil nasira ang kanilang mga tahanan ng bagyo.
Sinabi rin ni Abad na malaki ang pinsalang idinulot ng bagyong Ferdie sa kanilang mga pananim.
Mayroon din aniyang mga government buildings at schools na nasira.
Hanggang ngayon naman ay bagsak pa rin ang linya ng komunikasyon sa Itbayat na lubhang tinamaan ng bagyo, at ayon kay Abad wala pa rin silang contact sa nasabing bayan.
Binanggit din ng kongresista na bagamat kasing lakas ng bagyong Odette ang bagyong Ferdie, wala naman naiulat na casualty sa Batanes.
Wala rin aniyang pinsalang idinulot ang naturang bagyo sa kanilang paliparan.
Ngayon ay unti-unti nang gumaganda ang lagay ng panahon sa Batanes matapos tuluyang makalabas na ng bansa ang bagyong Ferdie kahapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.