Zero car sa EDSA, isinusulong ng isang mambabatas

By Isa Avendaño-Umali September 15, 2016 - 09:04 AM

edsa trafficIpinapanukala ni Malabon Rep. Ricky Sandoval ang pagpapatupad ng ‘zero car’ sa EDSA, na layong makapagpaluwag sa daloy ng trapiko sa naturang major thoroughfare lalo na tuwing rush hour.

Ayon kay Sandoval, ang mga pribadong mga sasakyan ang nagdudulot ng trapik sa EDSA, at hindi ang mga pampasaherong bus.

Sa panukala ni Sandoval, magpapairal ng zero car sa EDSA dalawang oras sa umaga, at dalawang oras din sa hapon.

Sakaling matuloy ang implementasyon ng zero car, ito’y epektibo sa EDSA mula 6:30 hanggang 8:30 ng umaga; at 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

Inayunan naman ito ni Department of Transportation o DoTr Undersecretary Anneli Lontoc, at sa katunayan aniya ay kinukunsidera na ng ahensya ang naturang hakbang para mapabilis na ang biyahe ng public transport.

Ani Lontoc, mas marami talaga ang private vehicles na bumibiyahe sa EDSA, at lalong dumarami ang mga sasakyan dahil napaka-mura na lamang ang pagkuha nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.