Dati at kasalukuyang Tawi-tawi official, kinasuhan dahil sa sablay na SALN

By Kabie Aenlle September 15, 2016 - 04:19 AM

 

ombudsmanMahaharap sa paglilitis ng Office of the Ombudsman ang isang dati at kasalukuyang lokal na opisyal ng Tawi-Tawi dahil sa mga iregularidad sa isinumite nilang statement of assets and liabilities (SALN).

Sinampahan ng anim na counts ng paglabag sa RA No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees si dating Paglima Sugala Mayor Nurbert Sahali, habang kasong paglabag naman sa RA 6770 naman ang isinampa laban kay municipal human resources officer na si Sherwina Juhaili.

Base sa records ng Ombudsman, ang isinumiteng SALN ni Sahali mula 2007-2012 ay pawang mga walang petsa, kulang kulang, hindi submitted under oath at hindi rin inihain sa itinakdang oras.

Samantala, kinasuhan naman si Juhaili dahil sa pagbibigay ng certification kay Sahali na ipinasa niya ang kaniyang SALN sa nakatakdang panahon.

Kaugnay nito nagpaalala ang Ombudsman ang mga public officials na hindi dapat hinaharangan o niloloko ninuman ang kanilang opisina pagdating sa pagsunod sa kanilang mga patakaran.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.