Magkapatid na lola, natagpuang patay sa loob ng bahay sa Negros

By Jay Dones September 15, 2016 - 04:18 AM

 

Talisay CiytPatay na ng matagpuan ng kanilang kasambahay at kapitbahay ang dalawang magkapatid na umeedad 85 at 87 sa loob ng kanilang tahanan sa Talisay City, Negros Occidental Miyerkules.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Isabel Claudio, 85 taong gulang at ang kapatid nitong si Celestina, 87.

Ayon sa helper ng mga biktima, makailang ulit niyang kinatok ang bahay ng mga biktima sa Purok Santan, Zone 7 sa Talisay City Miyerkules ng umaga ngunit hindi sumasagot ang mga ito.

Dahil dito humiling na ng tulong sa mga kapitbahay ang helper upang pasukin ang tahanan ng magkapatid.

Dito na nadiskubre ang bangkay ng biktimang si Isabel sa loob ng  garahe samantalang sa kanyang kuwarto naman natagpuan ang wala nang buhay na si Celestina.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, hinihinalang pinasok ng mga magnanakaw ang tahanan ng mga biktima dahil sa mistulang hinalughog ang loob ng bahay ng mga ito.

Wala namang nakitang sugat sa katawan ng mga biktima kaya’t inaantabayanan ang resulta ng otopsiya sa mga labi ng mga ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.