‘Gener’ napanatili ang lakas; habagat paiigtingin

By Jay Dones September 15, 2016 - 04:22 AM

 

gener sep14  11pmNapanatili ng bagyong ‘Gener’ ang lakas nito habang binabaybay ang Philippine Sea.

Sa 11:00 PM update ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 930 kilometro sa silangang bahagi ng Casiguran, Aurora.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 130 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 160 kph.

Tinatahak nito ang direksyong west northwest sa bilis na 22 kph.

Inaasahang paiigtingin ng bagyong ‘Gener’ ang southwest monsoon o habagat kaya’t asahan na ng publiko ang bahagyang pag-ulan sa Luzon at Western Visayas ngayong araw.

Hindi naman inaasahang tatama sa lupa ang naturang bagyo na inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa Sabado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.