Apat patay sa anti-drug ops sa QC at Maynila

By Alvin Barcelona, Jay Dones September 15, 2016 - 04:24 AM

 

gun crime suspect drugsApat katao ang patay sa dalawang magkahiwalay na operasyon ng mga otoridad kontra sa mga umano’y tulak ng droga sa Maynila at Quezon City Miyerkules ng hapon.

Unang napatay ng mga otoridad sa Bgy. Pag-asa sa Quezon City ang mga suspe na nakilalang sina Alex Pacora alyas Dutch, na kasama sa drug watch list ng PNP, isang alyas Macy at isang alyas Kamal.

Narekober sa mga suspek ang isang kalibre .45 at caliber .22 na baril, isang hand grenade at hindi pa matiyak na dami ng shabu.

Diumano, nagsasagawa ng Oplan Tokhang ang mga tauhan ng Masambong police station sa pangunguna ni Supt. Igmedio Bernaldez sa Sitio San Roque, Barangay Pag-asa nang paputukan sila ng mga suspek na humantong sa encounter.

Samantala, sa Maynila, napatay din ng mga pulis Plaza Miranda  police community precinct ang isang drug suspect sa raid sa mga barung-barong sa Quinta Market, dakong alas 4:00 ng hapon.

Nakatakas naman ang isa sa mga suspek na kasama umano sa nagpa-pot session sa lugar nang maganap ang raid.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.