Mga artista hindi dapat exempted sa anti-drug campaign  

By Isa Avendaño-Umali September 15, 2016 - 04:23 AM

 

alfred vargasSuportado ng dating aktor at ngayo’y Quezon City Rep. Alfred Vargas ang nagpapatuloy na imbestigasyon ng Philippine National Police o PNP hinggil sa mga artistang posibleng sabit sa ilegal na droga.

Ayon kay Vargas, ang droga ay walang pinipiling biktima, mayaman man o mahirap, aktor man o ordinaryong tao.

Giit ni Vargas, ang showbiz personalities ay hindi dapat exempted sa anumang pagsisiyasat o kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.

Kwento ng mambabatas, personal niyang nasaksihan ang sitwasyon ng iba’t ibang mga taga-showbiz, ang ilan ay kaibigan pa umano niya, na nasimot ang pera, nasira ang karera at naperwisyo ang buhay nang dahil sa ilegal na droga.

Binigyang-diin ni Vargas na isang pribilehiyo na maging isang aktor, at marapat na gamitin para maka-inspire at magpasaya sa publiko.

Apela nito sa mga kapwa aktor, lalo na ang mga lulong sa droga hanggang ngayon, huwag sayangin ang pagkakataon na makapasok at maglingkod sa industriya.

Umaasa naman ang Kongresista na sa ongoing probe ng PNP, kahit papaano ay matatakot na ang ilang mga artista o mahihimok na umalis na sa pagkakasangkot sa drugs at mabagong buhay.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.