Batanes isolated pa rin dahil sa bagyong Ferdie

By Den Macaranas September 14, 2016 - 07:50 PM

batanes-mapGinabi na ng paghihintay ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang natatanggap na update hingil sa kalagayan ng lalawigan ng Batanes makaraan itong hagupitin ng bagyong Ferdie.

Simula gabi ng Martes ay binayo na ng malakas na hangin at ulan ang kabuuan ng Batanes ayon sa ulat na nakarating sa NDRRMC Headquarters sa Camp Aguinaldo.

Sinabi ni NDRRMC spokesperson Romina Marasigan na maaga naman nilang naipre-position ang mga relief goods para sa mga posibleng maapektuhan ng bagyo.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ng opisyal na gumagawa na sila ng paraan para marating ang Batanes partikular na ang bayan ng Itbayat.

“Kahapon pa hirap ang signal ng komunikasyon sa lugar at maaga pa lamang ay putol na rin ang serbisyo ng kuryente”, ayon kay Marasigan.

Dahil nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Ferdie, ang bagyong Gener naman ang tinututukan ngayo ng NDRRMC.

Tiniyak rin ni Marasigan na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga concerned government agencies para sa mabilis na tulong sa mga maaapektuhan ng bagyo.

TAGS: batanes, ferdie, gener, itbayat, ndrrmc, batanes, ferdie, gener, itbayat, ndrrmc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.