Dating Pres. Aquino at Cesar Purisima kinasuhan ng katiwalian

Aquino Purisima
Kuha ni Kabie Aenlle

Sinampahan ng kasong graft sina dating Pangulong Noynoy Aquino at dating Finance Sec. Cesar Purisima kaugnay sa P100 Billion tax fraud na kinasasangkutan ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation (PSPC).

Ang reklamo ay inihain nina dating Customs Commissioner Napoleon Morales, ex-BOC district collector Juan Tan at Headlines News Today publisher Lourdes Aclan.

Nakalagay sa kanilang reklamo na bigo sina Aquino at Purisima kasama ang ilang mga dating opisyal ng BOC na kolektahin ang P100 Billion buwis mula sa PSPC mula 2004 hanggang 2009.

Bukod kina Aquino at Purisima, respondents din sa kaso ang mga PSPC officials na sina  Chairman and President Edgar Chua, Vice President for Communications Robert Kanapi, Country Tax Manager Nigel Avila at iba pang “John Does”.

Bilang pangulo ng bansa at dating finance secretary, sinabi ng mga nagsampa ng kaso na dapat ay ginamit ng mga dating opisyal ang kanilang posisyon para tiyakin na hindi malulugi sa sinisingil na buwis ang pamahalaan.

Wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ng dating pangulo.

Read more...