Mga salitang Pinoy pasok sa updated version ng Oxford English Dictionary
Labing-limang mga salitang Pinoy ang pasok sa September update ng Oxford English Dictionary (OED).
Kabilang dito ang mga sikat na pagkaing Filipino tulat ng balut, kare-kare, lechon, lechon asado, leche flan pancit at puto.
Kasama rin dito ang mga salitang tumutukoy sa mga miyembro ng pamilyang Pinoy tulad ng lolo, lola, tito at tita.
Ang iba pang mga salita ay ang yaya, tabo, arnis at bayanihan.
Noong nakalipas na Marso ay isinama ng OED sa kanilang mga bagong salita ang “kilig” at “teleserye”.
Sa Disyembre ang susunod na paglalabas ng update ng Oxford English Dictionary.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.