‘Si Pangulo mismo ang nag-iimpeach sa sarili niya’-LP stalwarts

By Jay Dones September 14, 2016 - 04:22 AM

 

File photo

Mismong si Pangulong Duterte ang gumagawa ng mga hakbang na maaring mag-impeach sa kanya at hindi ang mga ‘dilaw’ na tinutukoy nito.

Ito ang pahayag ni Albay Rep. Edcel Lagman at ilan pang mga mambabatas na kasapi ng LP.

Giit ni Lagman, dahil aniya sa mga hindi pinag-iisipang mga statements at anunsyo ng pangulo, nilalagay nito ang kanyang sarili sa alanganin.

Una na ring itinanggi ng iba pang mga natitirang kasapi ng LP sa Kamara na mayroon silang kinalaman sa ipinapalutang na impeachment scenario laban sa pangulo.

Ayon naman kay Rep. Gary Alejano, mistulang nagkakaroon ng kalituhan sa loob mismo ng administrasyong Duterte dahil sa mga pabagu-bago at magulong mga anunsyo mula sa panig mismo ng pangulo at ng kanyang Gabinete.

Marami aniyang malabong ‘policy announcements’ at iba-ibang bersyon  ng mga statements mula sa Duterte camp na lumulutang na nakapagbibigay ng kalituhan sa taumbayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.