Pilipinas, hindi bibitiw sa US alliance-Duterte

By Jay Dones September 14, 2016 - 04:23 AM

 

Julie Alipala/Inquirer Mindanao

Sa kabila ng mga nauna niyang mga pahayag,  nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala itong balak na putulin ang ugnayan sa mga bansang kaalyado nito sa kaslaukuyan.

Ayon kay Duterte,hindi niya ititigil ang pakikipagtulungan sa mga bansa na mayroon itong military alliance, ngunit sa halip, kanyang isusulong lamang ang nauna na nitong inihayag na independent foreign policy.

Giit ng pangulo, hindi rin siya anti-American at hindi rin ihihinto ang ugnayan sa Amerika.

Matatandaang nito lamang nakaraang araw, sinabi ng pangulo sa isang talumpati na nais na niyang paalisin sa Mindanao ang mga tropa ng Amerika.

Sa kabila ng pahayag na ito, sinabi ng US Department of State na nananatiling ‘committed’ ang kanilang bansa sa matagal nang alyansa nito sa Pilipinas at sa nagpapatuloy na kampanya kontra terorismo.

Sa kasalukuyan, nasa mahigit isandaang sundalong Amerikano ang namamalagi sa Western Mindanao Command sa Zamboanga City na nagbibigay ng ‘technical assistance’ sa kanilang local counterparts sa isyu ng counterterrorism at intelligence gathering.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.