Buntis na biktima sa Davao night market blast, pumanaw na; Bilang ng mga nasawi, umakyat na sa 15
Umakyat sa labing lima ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naganap na pambobomba sa Davao City night market noong gabi ng September 2.
Sa pahayag na inilabas sa Facebook page ng City Government of Davao, nakasaad na nakilala ang dumagdag sa bilang ng mga nasawi na si Vicenta Depalubos Asperin, 21 years old at anim na buwan nang buntis.
Nawalan ng buhay si Asperin sa Metro Davao Medical and Research Center (MDMRC) dakong 10:17 kagabi matapos ma-comatose ng labing isang araw.
Batay sa medical report na inilabas ng City Social Services and Development Office (CSSDO), heart failure at brain damage ang ikinamatay ni Asperin.
Maging ang sanggol na dinadala ni Asperin ay namatay na rin.
Pero ayon kay CSSDO chief Ma. Luisa Bermudo, hindi isasama sa kabuuang bilang ng mga nasawi ang sanggol dahil hindi pa naman ito naipapanganak.
Si Asperin na isang massage therapist ay kabilang sa mga lubhang nasugatan sa Davao City blast.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.