Pagpapaliban sa Brgy. at Sk elections lusot na sa Senado

senate-hall
Inquirer file photo

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa susunod na buwan.

Pinaboran ng dalawampung mga Senador ang Senate Bill 1112 na iniakda ni Sen. Sonny Angara.

Samantala kumontra naman sa panukala sina Senate Minority leader Ralph Recto at Sen. Sonny Trillanes.

Nakasaad sa panukala na idaos na lang sa October 23 sa susunod na taon ang halalan.

Sa pagtutol ni Recto ay kanyang sinabi na bagama’t maraming Barangay officials ang maayos na nagta-trabaho ay marami din ang sangkot sa mga ilegal na gawain kasama na ang droga.

Kayat giit nito, kailangan na matuloy na ang eleksyon sa susunod na buwan.

Nilinaw naman ni Angara na hindi nila binabalewala ang karapatang bumoto lalo na ng mga kabataan.

Katuwiran nito kailangan pa ng sapat na panahon para mas maging maayos at makabuluhan ang gaganaping halalan gayundin ang pagpapatupad ng SK Reform Act.

Read more...