LP aminado na hindi nila kayang ibagsak ang Duterte administration

By Isa Avendaño-Umali September 13, 2016 - 04:40 PM

Sonny Belmonte
Inquirer file photo

Mismong ang isang kilalang mataas na lider ng Liberal Party ang nagsabi na ‘zero’ ang tsansa na ang LP ang nag-iisip ng impeachment laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay LP stalwart at ngayo’y Quezon City Rep. Feliciano Belmonte Jr., napaka-popular ni Presidente Duterte para magtangka ang LP o sinumang partido na siya’y ipa-impeach.

Maliit din ang posibilidad na may impeachment laban sa pangulo dahil hawak nito ang mayorya ng mga mambabatas sa Kamara man o Senado.

Higit sa lahat, binigyang diin ni Belmonte na hindi ‘Trojan Horse’ ang LP at walang basehan para ibintang sa partido ang pagpapatalsik sa Pangulo dahil 28 sa 33 LP Congressman ay bahagi ng supermajority sa Lower House.

Dahil dito, nakiusap si Belmonte sa lahat, maging sa Duterte administration na tigilan ang pag-iisip na ang LP ay may planong patalsikin si Pangulong Duterte.

Sa halip din aniya na pag-usapan ang impeachment o mag-palutang ng mga negatibong bagay, sinabi ni Belmonte na mas mainam na isipin ang magiging tagumpay ng bansa sa ilalim ng Duterte government.

TAGS: duterte, Liberal, LP, duterte, Liberal, LP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.