Layunin nito na pagaanin ang trapiko sa kahabaan ng Quezon Avenue hanggang Welcome Rotonda.
Ayon kay Elmo San Diego, hepe ng Department of Public Order and Safety (DPOS) ng Quezon City, ang bagong traffic management scheme ay kanilang ipapatupad sa pakikipag ugnayan sa Metro Manila Development Authority (MMDA).
Bahagi ng bagong traffic scheme ay ang pagpapasara sa mga u-turn slots sa kahabaan ng Quezon Avenue mula West Avenue intersection hanggang Edsa at pagbubukas ng intersection sa Quezon Avenue kanto ng Scout Borromeo at West 4th.
Kasama din dito ang implementasyon ng two-phase traffic signal system sa Quezon Avenue – Examiner/Scout Albano Streets.
Umaasa si San Diego na mas bibilis ang daloy ng trapiko mula sa Quezon Avenue hanggang Welcome Rotondoa dahil sa bagong traffic plan.
Bagamat experimental pa lamang, kung maganda ang kalalabasan ay plano nilang isama sa nasabing traffic scheme ang mga barangay ng Paligsahan, Roxas, Laging Handa, Kamuning at E. Rodriguez.