Duterte administration di pababagsakin ng LP ayon kay Robredo

By Den Macaranas September 13, 2016 - 03:55 PM

Leni-Robredo2
Inquirer file photo

Nilinaw ni Vice President Leni Robredo na walang balak ang kanilang partido na Liberal Party na gumawa ng anumang hakbang para pabagsakin ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Robredo na sa susunod nilang pulong ay personal niyang sasabihin na wala silang balak na masama sa pamahalaan tulad ng mga sinabi ng pangulo.

Ipinaliwanag rin ng pangalawang pangulo na karamiwah sa kanilang mga dating kapartido sa Kamara ay lumipat na sa partido ng pangulo samantalang malakas din ang suporta ng mga Senador sa kasalukuyang administrasyon.

Ipinagmalaki rin ni Robredo na naglaan na rin ng pondo ang kanyang tanggapan para sa pagtulong sa pagsasa-ilalim sa rehabilitation ng ilang mga drug users bilang tulong sa kampanya ng gobyerno kontra sa droga.

Nauna nang sinabi ng lider ng Kamara at Senado na matatag ang kanilang suporta sa pangulo.

Magugunitang sinabi ni Duterte na ilang mga “nakadilaw” na tumutukoy sa Liberal Party ang nasa likod ng mga pag-atake sa kanyang administrasyon.

TAGS: duterte, impeachment, liberal party, Robredo, duterte, impeachment, liberal party, Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.