Kaso ng Zika infection sa Pinas umabot na sa walo

Zika
Inquirer file photo

Kinumpirma ng Department of Health ang dalawang bagong kaso ng Zika na naitala sa bansa.

Ang mga pinakahuling dinapuan ng nasabing uri ng virus ay mula sa Brgy. Benedicto sa Jaro, Iloilo.

Tumanggi nang magbigay ng mga dagdag na detalye si Health Sec. Paulyn Jean Ubial sa pagkakakilanlan ng mga bagong pasyente.

Pero sinabi ng opisyal na nakatira sa iisang bahay ang mga biktima.

Sa record ng Epidemiolgy Bureau ng DOH, umaabot na sa walo ang naitalang kaso ng Zika infection sa bansa.

Sa nasabing bilang, ang ikalawa at ikatlong kaso ay maituturing na “locally transmitted” ayon sa mga health officials.

Patuloy na pinapayuhan ng DOH na panatilihing malinis ang kapaligiran at linisin ang mga lugar na posibleng pamahayan ng mga lamok.

Naghigpit na rin ang bansa sa pagmomonitor sa mga dayuhang pumapasok sa Pilipinas galing sa mga lugar na may mataas na kaso ng Zika virus tulad ng Singapore at Malaysia.

Read more...