Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nag-usap na umano sila ni Pangulong Duterte hinggil sa nasabing isyu at nilinaw sa kaniya ng pangulo ang naging pahayag nito kahapon.
Paliwanag ni Lorenzana, hindi naman umano pinaaalis ang mga sundalong Amerikano kundi binigyan lamang sila ng babala kaugnay sa kanilang seguridad.
Giit ni Lorenzana, malaki ang posibilidad na malagay sa panganib ang kaligtasan ng mga sundalong Amerikano lalo na sa mga Muslim population.
Ito ay matapos maungkat ang atrocity na kagagawan ng mga US military noong taong 1900 kung saan biktima ang maraming mga Muslim.
Dagdag pa ni Lorenzana, concerned lamang si Duterte sa seguridad ng mga sundalong Amerikano na baka pagbalingan sila ng atensiyon ng mga bandidong grupo.