US military, hindi pinapaalis ni Pangulong Duterte ayon sa DND

By Ruel Perez September 13, 2016 - 01:03 PM

balikatan-copy (1)Nilinaw ng Department of National Defense (DND) na mali ang naging interpretasyon kaugnay sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon sa umano’y pagpapaalis sa mga miyembro ng US Special Forces na nasa Mindanao.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nag-usap na umano sila ni Pangulong Duterte hinggil sa nasabing isyu at nilinaw sa kaniya ng pangulo ang naging pahayag nito kahapon.

Paliwanag ni Lorenzana, hindi naman umano pinaaalis ang mga sundalong Amerikano kundi binigyan lamang sila ng babala kaugnay sa kanilang seguridad.

Giit ni Lorenzana, malaki ang posibilidad na malagay sa panganib ang kaligtasan ng mga sundalong Amerikano lalo na sa mga Muslim population.

Ito ay matapos maungkat ang atrocity na kagagawan ng mga US military noong taong 1900 kung saan biktima ang maraming mga Muslim.

Dagdag pa ni Lorenzana, concerned lamang si Duterte sa seguridad ng mga sundalong Amerikano na baka pagbalingan sila ng atensiyon ng mga bandidong grupo.

 

TAGS: Balikatan Exercises, Balikatan Exercises

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.