Wala pang opisyal na hiling ang Pilipinas sa pag-alis ng US military ayon sa US State Department

balikatan-0422Walang pormal na kahilingan ang gobyerno ng Pilipinas hinggil sap ag-alis ng US military personnel sa bansa.

Tugon ito ni US State Department spokesman John Kirby sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi na nagsasabing dapat nang umalis ang American forces sa Mindanao.

Sinabi ni Kirby na sa kaniyang pagkaka-alam, walang opisyal na komunikasyon mula sa gobyerno ng Pilipinas hinggil dito.

Nananatili rin ayon kay Kirby ang commitment ng US sa pakikipag-alyansa nito sa Pilipinas.

Kagabi sa kaniyang pahayag, binanggit ni Pangulong Duterte na dapat nang umalis ang US military sa Mindanao dahil pinapalala lamang nito ang sitwasyon sa rehiyon.

 

 

Read more...