6 sugatan, kabilang ang singer ng KC & The Sunshine Band, nang makaranas ng turbulence ang eroplano ng PAL

By Chona Yu September 13, 2016 - 09:40 AM

FILE PHOTO
FILE PHOTO

(UPDATE) Sugatan ang dalawang pasahero at apat na crew ng Philippine Airlines (PAL) matapos makaranas ng turbulence ang sinasakyan nilang eroplano.

Galing sa Los Angeles ang eroplano at palapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang maganap ang insidente.

Ayon kay Cielo Villaluna, tagapagsalita ng PAL, nakaranas ng turbulence ang PAL flight PR1103 kaninang alas 6:12 ng umaga.

Kabilang sa nasugatan ang American singer na si Ellis Mungin KC & The Sunshine Band na nakatakdang mag-concert bukas dito sa bansa. Dumaing ang singer ng pananakit ng ulo. Ayon sa PAL, conscious naman ito at stable ang vital signs.

Si Roel Orocay naman, 43 anyos ay dumaing ng panankit sa kaliwang binti dahil sa tinamong galos.

Ang crew ng PAL na si Marc Castro, 34 anyos, ay nauntog sa ceiling ng eroplano. Dahil sa posibleng head trauma, ay pinapasailalim ito sa CT scan

Isa pang PAL crew na si Joan Ratunil, 29 anyos ang humagis at dumama ang leeg sa kisame ng eroplano, kinailangan siyang lagyan ng neck brace at isasailalim sa spinal CT scan.

Sugatan din si Raquel Cruz, 25 anyos at crew din ng PAL, na dumaing naman ng pananakit ng braso. Isasailalim si Cruz sa x-ray.

Samantala ang isa pang nasugatan na si Katrina Angeles, 26 anyos na crew din ng PAL ay sumakit naman ang kanang kamay matapos na tumama sawall ng eroplano.

Ayon kay Villaluna agad na nilapatan ng medical treatment ang anim nang lumapag ang eroplano sa NAIA kaninang alas 6:40 ng umaga.

 

TAGS: 6 injured as PAL flight encounters turbulence Tuesday morning, PAL flight, 6 injured as PAL flight encounters turbulence Tuesday morning, PAL flight

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.