ISIS leader, kumpirmadong napatay sa Syria

Photo from Dabiq
Photo from Dabiq

Kinumpirma ng Pentagon na isang lider ng Islamic State ang napatay sa isinagawang air strike ng tropa ng Estados Unidos sa Syria noong August 30.

Ayon sa Pentagon, ang nasawing lider ay si Abu Muhammad al-Adnani.

Si Adnani talaga umano ang target ng air strike ng US noong August 30, pero inabot ng ilang linggo bago tuluyang makumpirma na siya nga ang nasawi.

Sa isinagawang pag-atake, gamit ang drone ay nagbagsak ng missile sa sasakyan na gamit ni Adnani.

Si Adnani ay isa sa most high-profile figures ng IS na may patong na 5 milyong dolyar sa ulo.

Isa siya sa tagapagsalita at founder ng IS, na ipinanganak sa northern Syria.

Bago ang pagkumpirma ng US ay nauna nang inako ng Russia na sa isinagawa nilang air strike nasawi si Adnani.

 

Read more...