Bagyong Ferdie, lumakas pa; public storm warning signal #3 nakataas sa Batanes

Lalo pang lumakas ang bagyong Ferdie habang patuloy na nagbabanta sa extreme Northern Luzon.

Sa 5AM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 510 kilometers East ng Calayan, Cagayan, taglay ang lakas ng hangin n aaabot sa 215 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 250 kilometers per hour.

Kumikilos ito sa direksyong West Northwest sa bilis na 22 kilometers per hour.

Itinaas na ng PAGASA ang public storm warning signal number 3 sa Batanes. Ayon sa PAGASA, posibleng makaranas ng hanggang dalawang metro na storm surge sa coastal areas ng nasabing lalawigan.

Signal number 2 naman sa Northern Cagayan kabilang na ang Babuyan Group of Islands; at signal number 1 sa nalalabing bahagi ng Cagayan, Northern Isabela, Kalinga, Apayao, Abra at Ilocos Norte.

Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente sa Northern Luzon na bantayan at maging maingat sa malakas na hangin at malakas na buhos ng ulan na dala ng bagyong Ferdie.

Kung magpapatuloy sa kasalukuyan nitong direksyon, bukas ng umag ay inaasahang tatama sa kalupaan ng Batanes ang bagyo.

Sa Huwebes pa ng umaga inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.

 

 

 

Read more...