Dating British PM Cameron, nagbitiw na rin bilang mambabatas

By Kabie Aenlle September 13, 2016 - 04:20 AM

 

britain cameronTuluyan nang winakasan ni dating British Prime Minister David Cameron ang kaniyang karera sa pulitika, matapos niyang opisyal na lisanin ang kaniyang pwesto sa parliyamento.

Nagsabi na rin si Cameron kay Prime Minister Theresa May tungkol sa kaniyang desisyon na bitiwan na ang pagiging kinatawan ng Oxfordshire, para na rin bigyang daan ang sinumang kayang pagtuunan ng pansin ang nasabing lugar.

Ayon kay Cameron, matagal niya na itong pinag-isipan, at nag-desisyon siyang ang tamang gawin ay ang pagbaba niya bilang member of the parliament (MP).

Paliwanag ni Cameron, para sa kaniya ay imposibleng magampanan niya ng matiwasay ang pagiging MP o mambabatas bilang isang dating prime minister.

Sa palagay niya aniya, magiging isang malaking distraction lang siya sa kung ano ang dapat gawin ng pamahalaan para sa kanilang bansa.

Matatandaang nag-resign si Cameron bilang prime minister noong Hunyo matapos bumoto ang 52 percent ng mga Briton para lisanin ang European Union.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.