Audio clip ng pahayag ni President Widodo ukol sa go-signal umano ni Duterte inilabas ng ABC reporter

By Jay Dones September 13, 2016 - 03:18 AM

 

mary-jane-velosoUpang mapatunayan ang isiniwalat ni Indonesian President Joko Widodo na nagbigay ng pahintulot si Pangulong Rodrigo Duterte na isalang sa parusang kamatayan ang Pinay na si Mary Jane Veloso, isinapubliko ng ABC Indonesian correspondent na si Adam Harvey ang audio clip ng kanilang panayam sa Indonesian President.

Kinumpirma ni Harvey sa Inquirer.net na laman ng naturang audio clip ang mga pahayag ni President Widodo kung saan maririnig ang paliwanag nito sa kanilang pag-uusap niDuterte.

Paliwanag ni Harvey, nakapanayam ng media sa Indonesia si President Widodo sa harapan ng grand mosque sa Serang Banten, kahapon sa okasyon ng Eid’l Adha.

Sa salitang Bahasa, sinabi ni Widodo na kanyang ipinaliwanag ang dahilan kung bakit nabigyan ng delay sa ‘execution’ si Veloso kay Pangulong Duterte nang bumisita ito sa bansa noong nakaraang linggo.

Bilang tugon, sinabi aniya sa kanya ni Duterte na ‘please go ahead’ kung nais na nitong ipatupad ang parusa.

Ang naturang pahayag ni  President Widodo sa kanilang naging pag-uusap ni Duterte ay naging laman din ng balita sa Indonesia at international media.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.