Gastos ng pangulo sa nagdaang foreign trips, isasapubliko ng Malacañang

By Chona Yu September 13, 2016 - 04:00 AM

 

Martin-Andanar-file-0711Nakahanda ang Palasyo ng Malacanang na isapubliko ang halaga ng nagastos ng pamahalaan sa pagdalo ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Association of Southeast Asian (ASEAN) Summit sa Laos, pati na sa working visit sa Indonesia noong nakaraang linggo

Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Martin Andanar, inaalam na niya ngayon sa Office of the President sa kung magkano ang inabot ng ginawang foreign official trip noong isang linggo.

Dagdag ni Sec. Andanar, makikipag-ugnayan din siya sa ibat- ibang departamento na nakasama sa ASEAN summit at Indonesian trip para malaman kung magkano ang inilabas na budget ng mga ito kasama na ang PCO.

Paliwanag ni Andanar, kani-kaniyang sagot kasi ng mga department offices ang nangyari kaugnay ng apat na araw na foreign official event, kasama na dito ang food expenses, hotel accommodation at iba pang gastusin.

Pagbibigay diin ng PCO chief, ang hakbang na malaman ng publliko ang gastos ng gobyerno sa ganitong mga official event ay bahagi ng transparency ng administrasyon sa gitna ng pangako at paglaban nito sa katiwalian.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.