Duterte, sinadya ang hindi pagdalo sa US-ASEAN summit

By Kabie Aenlle September 13, 2016 - 04:29 AM

 

REUTERS/Jorge Silva
REUTERS/Jorge Silva

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinadya niya talagang hindi puntahan ang pulong sa pagitan ng mga leaders ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) kay US President Barack Obama sa Laos noong nakaraang linggo.

Binanggit ito ng pangulo sa kaniyang talumpati sa 2016 Metropolitan Foundation Outstanding Filipinos na ginanap sa Malacañang.

Taliwas ito sa unang inilabas na pahayag ng Malacañang na masama ang pakiramdam ng pangulo kaya hindi siya nakadalo sa US-ASEAN summit.

Ayon kay Ginoong Duterte, dinaluhan niya ang iba pang mga pulong, tulad ng one on one kay Russian President Vladimir Putin, at sa pulong sa pagitan ng ASEAN at China.

Paliwanag ng pangulo, hindi lang talaga niya gusto ang mga Amerikano at para sa kaniya, isa itong usapin ng prinsipyong pinanghahawakan.

Ilang oras bago ang naturang event, sinabi ni Duterte na dapat nang umalis ang mga tropa ng Estados Unidos sa Mindanao dahil hangga’t naroon ang mga ito, hindi magkakaroon ng kapayapaan sa rehiyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.