‘Ferdie’ lalong lumakas; Northern Luzon pinaghahanda sa hagupit ng bagyo

PAGASA 5PM
Photo from PAGASA

Patuloy na lumalakas ang bagyong Ferdie habang tinatahak ang direksyon west-northwest patungong extreme Northern Luzon.

Sa 5PM weather bulletin ng PAGASA, namataan ang mata ng bagyo sa 780 kilometers east ng Aparri, Cagayan.

Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na 185 kilometers per hour at paggalaw na 20 kph.

Ayon sa PAGASA, magdudulot ito ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa 500 km diameter na sakop ng bagyo.

Dahil dito, itinaas ang Typhoon cyclone warning Signal No. 1 sa Cagayan, Apayao, Batanes, at Babuyan Group of Islands.

Inaasahang papasok sa bisinidad ng Batanes ang bagyong Ferdie sa Miyerkules at lalabas naman ng Philippine Area of Responsibility sa Huwebes.

Nagbabala naman ang PAGASA sa lahat ng klase ng sea vessels na iwasan muna ang paglayag sa Bashi at Balintang Channels dahil sa maalon na kondisyon ng karagatan.

Read more...