133 patay, higit 400 nawawala sa malaking baha sa North Korea

By Mariel Cruz September 12, 2016 - 05:10 PM

Residents wait on the roof of a flooded building in Anju City, South Phyongan Province, North Korea Monday, July 30, 2012. Officials said 1,000 houses and buildings were destroyed and 2,300 hectares of farmland were completely submerged in the city. (AP Photo/Kim Kwang Hyon)
(AP Photo/Kim Kwang Hyon)

Pumalo na sa isandaan at tatlumpu’t tatlo (133) ang nasawi habang mahigit apat na raang tao ang nawawala sa matinding pagbaha sa North Korea.

Ayon sa ulat na nakarating sa United Nations (U.N), bukod sa nasawi at nawawala ay umabot naman sa mahigit sampung libo katao ang nawalan ng tirahan at mahigit isandaang libo naman ang inilikas sa kanilang mga bahay na malapit sa Tumen River.

Dahil sa nasabing baha, aabot sa tatlumpu’t limang libo at limang daan na mga bahay ang napinsala at mahigit walong libong gusali ang nasira ayon sa UN Office for the Coordination of Humanitarian Affairs.

Binisita naman ng ilang ahensya ng UN, international NGOs at ng international Red Cross ang mga lugar na lubhang naapektuhan ng pagbaha para magbigay ng ayuda.

Pagtitiyak ng gobyerno ng North Korea, mabibigyan ng tulong ang lahat ng naapektuhan ng nasabing sakuna.

Siniguro rin na agad matatapos ang pagtatayo sa dalawampung libong tirahan na lilipatan ng mga biktima ng pagbaha bago ang buwan ng Oktubre o bago umiral ang panahon ng tag-lamig.

TAGS: ap, Floods, north korea, UN, ap, Floods, north korea, UN

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.