Malacañang: Walang go signal para sa firing squad kay Mary jane Veloso

By Chona Yu September 12, 2016 - 04:36 PM

Duterte widodo2
Inquirer file photo

Nilinaw ng Palasyo ng Malacañang na walang ibinibigay na go signal si Pangulong Rodrigo Duterte kay Indonesian President Joko Widodo na isalang sa firing squad si Mary Jane Veloso

Magugunitang si Veloso ay nahatulan ng parusang kamatayan sa Indonesia makaraan siyang mahuli ng magpuslit siya ng 2.6 kilos ng heroin noong 2010.

Ayon kay presidential spokesman Ernesto Abella, walang ginagawang ganung pahayag ang pangulo nang magsagawa ito ng working visit sa Indonesia noong nakaraang lingo.

Paliwanag ni Abela, sinabi lamang ng pangulo kay Widodo na sundin ang kanilang umiiral na batas at hindi siya makikialam dito.

Nauna nang sinabi ni Duterte na susubukan niyang pakiusapan si Widodo para mailigtas si Veloso bago siya nagpunta sa Indonesia noong nakalipas na linggo.

Kaninang tanghali ay lumabas ang mga ulat na sinabi umano ni Widodo na binigyan ng go signal ni Duterte ang kanilang pamahalaan para i-firing squad ang nasabing Pinay.

TAGS: abella, duterte, indonesia, veloso, Widodo, abella, duterte, indonesia, veloso, Widodo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.