Suspek sa Aika Mojica murder, US citizen

July 27, 2015 - 09:47 AM

Aika MojicaSumisigaw ng hustisya ang mga kaanak at kaibigan ng 24-anyos na si Aika Mojica na natagpuang patay sa bayan ng San Felipe, Zambales.

Ang biktima na residente ng Olongapo City ay nakita sa Maculcol bridge sa bayan ng San Felipe na mayroong tatlong tama ng bala ng baril sa ulo at sunog ang katawan.

May bahid din na ginahasa si Aika dahil nakababa ang suot nitong shorts nang ito ay matagpuan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Olongapo City Councilor, Jong Cortez, nagbigay na ng salaysay sa pulisya ang testigo na girlfriend mismo ng suspek na si Jonathan Dewayne Ciocon Viane alyas “Junat”.

Isang US citizen ang suspek, ani Cortez

Sinabi ni Cortez na ngayong araw na ito ay isasampa na nila sa piskalya ang reklamong murder laban sa suspek batay sa pahayag ng 17-anyos na testigo. “May 3 tama ng bala sa ulo si Aika at sunog ang katawan niya, may nagsalita na witness yung girlfriend ng suspect at itinuro nga niya si Jonathan na siya ang gumawa. Kakasuhan na po ng murder case ang suspek,” ayon pa kay Cortez.

Nakausap din ng Radyo Inquirer ang ama ng biktima na si Joey Mojica, na nagsabing tinutulungan ng kanyang anak ang matalik nitong kaibigan sa Amerika kaya niya nakilala si Jonathan. “May custody issue yan sa dati niyang asawa na kaibigan ng anak ko. Nanalo ang ex-wife ni Jonathan pero hindi ito sinunod at sa halip ay itinakas niya ang anak nila sa US at dinala dito sa Pilipinas,” ayon sa ama ng biktima.

At dahil nalaman nga ni Jonathan na si Aika ay nagbibigay ng impormasyon sa kaniyang misis sa Amerika, ay nagalit ito kay Aika, ayon sa ama ng biktima na si Joey.

Nanawagan naman si Ginoong Cortez sa media at sa publiko na tulungan sila para madakip si Jonathan at mabigyang hustisya ang karumal-dumal na pagpaslang sa kaniyang anak./Dona Dominguez-Cargullo, Gina Salcedo

TAGS: aika mojica, justice for aika mojica, aika mojica, justice for aika mojica

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.