PCSO may bagong Chairman at General Manager

PCSO Lotto
Inquirer file photo

Nanumpa na sa kani-kanilang mga pwesto ang mga bagong hirang na Chairman at General Manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Si dating Police C/Supt. Jose Jorge Corpuz ang bagong PCSO Chairman na pumalit kay Ayong Maliksi na nasangkot sa kasong graft dahil sa pagbibigay ng proyekto sa isang kumpanya na mangangasiwa ng mga lotto terminals ng walang kaukulang bidding.

Si dating Marine Major. General Alexander Balutan naman ang siyang bagong talagang General Manager ng PCSO kapalit ni Jose Ferdinand Rojas.

Nauna nang sinabi ni Duterte na gusto niyang mga “killer” ang maitalaga sa PCSO dahil sa grabeng katiwalian sa nasabing tanggapan.

Kanina ay kasama sina Balutan at Corpuz sa mga bagong opisyal ng pamahalaan na nanumpa sa kani-kanilang mga bagong tungkulin sa Palasyo ng Malacañang.

 

Read more...