Firing squad para kay May Jane Veloso may go signal ni Duterte

By Den Macaranas September 12, 2016 - 02:57 PM

mary-jane-velosoKinumpirma ni Indonesian President Joko Widodo na binigyan siya ng go-signal ni Pangulong Rodrigo Duterte para isalang sa firing squad si Mary Jane Veloso.

Sa ulat ng Antara News Agency, sinabi ni Widodo dadaan sa maayos na prosesong legal ang kaso ni Veloso sa pangunguna ni Indonesian Attorney General na si M. Praseyo.

Sinabi rin ni Widodo na ipinaliwanag nila kay Duterte na makailang beses na inalis ang pangalan ni Veloso sa talaan ng mga isinalang sa firing squad at ang pinakahuli dito ay noong Abril makaraang kasuhan ang mga sinasabing nagpadala sa nasabing Pinay ng droga papasok sa Indonesia.

Magugunitang si Veloso ay hinuli sa Adisucipto Airport sa Yogyakarta, Indonesia makaraan siyang magpuslit ng 2.6 kilo ng heroin.

Tatlong beses rin na naudlot ang pagbaril kay Veloso dahil sa pakiusap ng pamahalaan ng Pilipinas.

Sa kanyang naging state visit sa Indonesia noong nakalipas na linggo ay tumangging magbigay ng pahayag sa media si Duterte tungkol sa naging pag-uusap nila ni Widodo sa kaso ni Veloso.

Nauna nang sinabi ni Duterte na magpapatupad siya ng zero tolerance sa mga kasong may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamot.

TAGS: duterte, indonasia, mary jane veloso, Widodo, duterte, indonasia, mary jane veloso, Widodo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.