Maagang nagtipun-tipon sa magkakaibang lugar sa Metro Manila ang libu-libong Muslim para gunitain ngayong araw ang Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.
Sabay-sabay na aktibidad ang isinagawa sa Quirino Grandstand sa Maynila, Quezon City Memorial Circle, at sa Blue Mosque sa Maharlika Village sa Taguig.
Bahagi ng aktibidad ang pananalangin at pagkakaroon ng salu-salo ng mga pamilyang Muslim.
Nagkaroon din pagpagbabahaginan ng pagkain at pagpapalitan ng regalo.
Deklaradong regular holiday ngayong araw sa buong bansa para sa nasabing pagdiriwang.
MOST READ
LATEST STORIES