2 kaanak ni dating Agriculture Sec. Alcala, arestado drug buy-bust sa Quezon

By Dona Dominguez-Cargullo, Ruel Perez September 12, 2016 - 12:36 PM

DrugsArestado ang hipag at pamangkin ni dating Department of Agriculture secretary Proceso Alcala sa isinagawang drug buy-bust operation sa Tayabas City, Quezon.

Pinangalanan ng pulisya ang mga suspek na sina Maria Fe Alcala at kaniyang anak na si Toni Ann.

Ayon kay Senior Superintendent Antonio Yara, hepe ng Quezon police, nakuha mula sa mag-ina 115 na gramo ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia sa isinagawang operasyon sa Leveriza Subdivision, Barangay Isbang.

Si Ginang Maria Fe Alcala ay misis ng hinihinalang drug lord na si Athelano Alcala, na siyang kapatid naman ng dating Agriculture secretary Proceso Alcala at ni Quezon District Rep. Vicente Alcala.

Kinumpirma din ng Quezon police na nasa drug watchlist si Toni Ann.

Si Athelano at anak nitong si Sahjid ay nauna nang sumuko sa mga otoridad noong nakaraang buwan at kapwa itinanggi na sila ay sangkot sa illegal drugs trade.

Sasampahan sina Maria Fe at Toni Ann ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

 

TAGS: Alcala's sister in-law niece arrested in drug buy-bust operation in Quezon, Alcala's sister in-law niece arrested in drug buy-bust operation in Quezon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.