VACC, binigyan ng bagsak na grade si PNoy

PNOY 2 KENTEX
File photo / Alvin Barcelona

Bagsak ang grading ibinigay ng isang Anti-Crime group sa nakalipas na limang taon na pamumuno ng administrasyong Aquino.

Ayon kay Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) founding President Dante Jimenez, sa gradong 1 to 10 o 1 ang pinakamababa at 10 ang pinakamataas, ay 5 lamang ang mabibigay nilang grado sa pangulo.

Ito ay dahil sa palpak aniyang performance ni Pangulong Aquino sa pagpapanatili ng peace and order sa bansa at paglaban sa korapsyon.
Idinagdag pa ng VACC na dahil sa hindi magandang naging rekord ni PNoy sa panahon ng kaniyang panunungkulan sa bansa,

Maliban dito, iginigiit din ng grupo na dahil bagsak si PNoy sa karamihan sa usapin sa kaniyang pamumuno, hindi umano sila makakaasa na iboboto ng grupo ang kandidatong ieendorso ni Pangulong Aquino sa eleksyon sa 2016.

Una nang nagbigay ng bagsak na grad okay PNoy ang dalawang political analysts.

Ayon kay University of Santo Tomas (UST) political science professor Edmund Tayao, bagsak pa ring maituturing ang performance ni PNoy dahil hindi man lamang umabot sa 75% ang achievements nito kahit pa patuloy ang pagsusumikap na maisaayos ang mga isyu sa infrastructure, transportation at kahirapan.

Si political analyst Prospero de Vera ng University of the Philippines (UP) naman bagsak ang gradong maibibigay niya sa administrasyon ni PNoy lalo na kung ang mga usaping hawak ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang pag-uusapan./ Ruel Perez

Read more...