WATCH: Driver ng tow-truck, humiga at mahimbing na natulog sa kalsada ng Commonwealth

By Jong Manlapaz September 12, 2016 - 09:15 AM

Mistulang nasa sarili niyang kwarto sa ang isang driver ng tow-truck ng MMDA nang ito ay maglatag ng sapin, maglagay ng unan at saka mahimbing na natulog sa emergency bay ng westbound lane ng Commonwealth Avenue sa Quezon City, makalagpas lamang ng UP Technohub.

Nagdulot pa ng pagkabahala sa mga otoridad ang ginawa ng driver ng tow-truck dahil inakalang siya ay patay na.

Napansin ni Ricardo Debobo, anti-carnapping volunteer, ang nasabing tow-truck dahil nakaparada ito sa isang Commonwealth Avenue sa halip na ipasok o itabi sa emergency bay.

Nang babain ni Debobo, nakita niyang nakahiga sa emergency bay ang isang lalaki.

Inakala pa ni Debobo na patay na ang lalaki pero nang lapitan niya ito at sinubukang gising ay agad itong bumangon.

Tila normal namang bumangon sa pagkakatulog ang lalaki, iniligpit ang higaan at unan, at saka sumakay muli sa tow-truck at iminaneho ito na parang walang nangyari.

 


 

TAGS: MMDA tow truck driver, MMDA tow truck driver

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.