US presidential candidate Hillary Clinton, may pneumonia ayon sa kaniyang duktor

clintonMatapos mahilo at halos mag-collapse nang dumalo sa seremonya sa paggunita ng 9/11 attack, naglabas ng statement ang duktor ni US Presidential candidate Hillary Clinton hinggil sa kondisyon ng kaniyang kalusugan.

Ayon kay Dr. Lisa, Bardack, ilang araw nang may ubo dahil sa allergy si Clinton at noong Biyernes, na-diagnose na mayroon itong pneumonia.

“Secretary Clinton has been experiencing a cough related to allergies. On Friday, during follow up evaluation of her prolonged cough, she was diagnosed with pneumonia,” ayon sa statement ni Bardack.

Pinayuhan aniya itong magpahinga habang nagga-gamot.

Sa pagdalo ni Clinton sa 9/11 event, nakaranas aniya ito ng dehydration dahil sa sobrang init.

Sa ngayon sinabi ni Bardack na nagpapagaling na si Clinton.

“She was put on antibiotics, and advised to rest and modify her schedule. While at this morning’s event, she became overheated and dehydrated. I have just examined her and she is now re-hydrated and recovering nicely,” dagdag pa ni Bardack.

 

Read more...