‘Ferdie’ lalong lumalakas

 

Lalo pang lumakas ang bagyong “Ferdie” matapos itong makapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, may taglay na itong lakas ng hangin na aabot sa 140 kilometers per hour , at pagbugso na 170 kilometers per hour.

Inaasahang patuloy ang paggalaw nito sa bilis na 22 kilometers per hour patungo sa direksyong West Northwest.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa 1,145 kilometers East ng Casiguran, Aurora.

Makakaranas naman ng katamtaman hanggang malakas na ulan ang mga lugar na nasasakop ng 300 kilometer diameter ng bagyo.

 

Read more...