Lav Diaz, binati ng Malacañang sa Venice award
Nagpahatid na ng pagbati ang Palasyo ng Malacañang kay film director Lav Diaz, matapos manalo sa 73rd Venice Film Festival sa Italy ang pelikula niyang “Ang Babaeng Humayo.”
Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, ang pagwawagi ni Lav Diaz na tinawag na ‘a master of the Philippines’ ng Irish Times, ay panibagong karagdagan sa mga parangal na nakuha mula sa mga prestihiyosong film festivals tulad ng Berlinale at Cannes.
Sa pagkapanalo aniya ni Diaz sa Italy, tunay niyang pinag-ningning ang world-class na talento ng mga Pilipino.
Samantala, binati rin ni Sen. Loren Legarda si Diaz pati na ang bida sa pelikula na si Charo Sanos-Concio na ayon sa senadora ay muling ipinakita ang kaniyang galing at talento.
Ayon pa kay Legarda, tiyak na ang likha ni Diaz ay magiging inspirasyon sa iba pang Filipino filmmakers na galingan pa lalo ang kanilang mga obra.
Maghahain rin si Legarda ng resolusyon sa Senado upang bigyang parangal ang dalawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.