5 ‘rent-tangay’ suspek patay sa encounter sa Pangasinan

By Jay Dones September 12, 2016 - 04:22 AM

 

gun crime suspect drugsDead on the spot ang limang pinaghihinalaang mga miyembro ng isang carnapping group  matapos umanong makipagbirilan sa mga pulis sa Urdaneta City, Pangasinan Linggo ng umaga.

Ayon kay Pangasinan police director Senior Supt. Ronald Oliver Lee, lulan ang mga suspek sa isang nakaw na kotse nang sila ay parahin ng mga otoridad check point sa Barangay Nancalobasaan ganap na alas- 2:30 ng umaga.

Gayunman, hindi umano huminto ang mga ito at nakipagpalitan pa ng putok sa mga otoridad.

Hinala ng mga otoridad, posibleng sangkot sa ‘Rent-Tangay’ ang grupo kung saan sapilitang tinatangay ng mga ito sa sasakyan ng mga biktim at pinapatay ang may-ari o driver nito.

Noong nakaraang taon, dalang biktima ng ‘rent-tangay’ ang itinapon sa Manaoag at Binalonan.

Narekober mula sa kotse ng mga suspek ang apat na caliber .45 pistol, uniporme ng pulis at pinaghihinalaang shabu.

Wala pang kaanak ang lumulutang upang kilalanin ang mga napaslang na miyembro ng grupo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.