Paggunita sa 15th  9/11 anniversary, sinimulan sa katahimikan

 

Inquirer.net/AP

Umaga pa lamang ng September 11 ay dumadagsa na sa ground zero memorial plaza ang daan-daang mga kaanak at kaibigan ng mga nasawi, pati na ang mga survivors sa terorismong naganap 15 taon na ang nakalilipas sa Amerika.

Sinimulan ang paggunita sa 9/11 terror attack sa isang sandali ng katahimikan, na sinusundan ng pagpapatunog ng kampana, at ilang oras ng pagbabasa sa pangalan ng mga nasawi sa trahedya.

Upang hindi rin magamit sa pulitika ang nasabing paggunita, sumusunod na rin sa tradisyon ang dalawang presidential candidates na sina Hillary Clinton at Donald Trump sa pamamagitan ng pansamantalang pagsuspinde sa kanilang television ads.

Hindi rin sila inaasahang magbigay ng anumang pahayag sa publiko, at walang pulitiko ang pinapayagang magbasa ng pangalan ng mga nasawi, na naging tradisyon na mula pa noong 2011.

Nagbigay naman ng pahayag si US President Barack Obama sa Pentagon, at daan-daang katao rin ang inaasahang dadalo sa isang seremonya sa Flight 93 National Memorial sa Shanksville.

Magugunitang halos 3,000 ang nasawi nang banggain ng mga hijacked planes ang World Trade Center, ang Pentagon at ang isang filed na malapit sa Shanksville, Pennsylvania.

Read more...